Ito po ay hango mula sa talakayan namin ng mga kapatid na Muslim na sina Abdul Bakie Talilisan at Jamal Udin sa "Head-to-Head: The Debate of Religions" (kopya ang orihinal na talakayan at mga salitang ginamit).
Tinatanong nina Abdul Bakie Talilisan at Jamal
Udin ang tungkol sa hindi pag-aasawa ng mga pari.
Tanong: Bakit hindi nag aasawa ang mga pare? so ngaun mag paliwanag kaung mga
cristiano! Ibig sabihin ba nito bakla ang mga pare nyo?
Sagot ko: Okay,
nagtatanong ka kung bakit hindi sila nag-asawa... ang sagot: dahil bago nila
tinanggap ang pagkapari, kasama sa sinumpaan nila sa tungkulin ang hindi
pag-aasawa. Ito ay tinatawag na "vow of celibacy"...
Tanong: Eh
sino po ba ang guma(gawa) ng batas na bawal silang mag asawa? eh katulad po nung
sinabi ni jamal udin pumonta ka sa mundo at mag parami pinapangaral po nila un
diba po eh bakit sila pa ang sumoway na ito kung talagang nanini wala sila sa
diyos,
Sagot ko: Pasensya na kung hindi ko agad
masagot. marami kasi akong inasikaso. dapat sana'y isa-isa lang. hindi yan
batas, bro Abdul,
kundi requirement yan sa magpapari. kung mag-apply ng trabaho, may mga
requirements diba? Tulad kung mag-apply ka bilang sundalo, ilan sa mga
requirements ay dapat physically fit ka at maaabot mo yung height requirement.
Sa pagpapari ay may requirements din, at ang hindi pag-aasawa ay isa na dun
dahil kapag pari ang isang tao, ang community na hawak niya ay itinuturing na
kanyang pamilya na. At masyadong busy ang pagiging pari...
Yung
tanong ko naman po Kaibigang #JoeMar ang
sagutin nyo!
Sagot ko: ///(Tanong ni Jamal Udin)
Kapatid na #JoeMar,
magandang umaga sayo! Hehe Di naman po pinakikialaman, pinupuna lang. Kung
hindi kasi ako nakakalimot may Talata sa Bibliya na GO TO WORLD AND MULTIPLY.
Merun po bang ganyang Talata? Hehe Dahil kung merun, PAGSUWAY SA DIYOS ANG
GINAGAWA NG MGA PARI O KUNG SINO MANG NAGBABAWAL NG PAG-AASAWA. ///
=> Ah
ganun ba bro Jamal Udin?
kaya pala daming asawa si Muhammad dahil naka-focus siya sa talatang iyan. Good
for him dahil ang Jesus namin ay walang asawa. Si San Pablo na masugid na
tagasunod ni Jesus ay wala ring asawa. Ang ginagawa nila ay abala sila sa
pagtuturo sa mga tao upang magkaroon ng kaligtasan at hindi ang magkaanak.
Nagtatanong ka
kung meron bang talata sa bibliya? Bibigyan kita. 1 Corinthians 7:7-9:
7 Nais
ko sanang ang bawat isa ay makatulad ko. Ngunit may kanya-kanyang kaloob mula
sa Diyos at ang mga ito'y hindi pare-pareho.
8 Ito naman ang masasabi ko sa mga walang asawa at sa mga biyuda: mabuti pa sa kanila ang manatiling walang asawa tulad ko.
8 Ito naman ang masasabi ko sa mga walang asawa at sa mga biyuda: mabuti pa sa kanila ang manatiling walang asawa tulad ko.
9 Ngunit kung hindi sila
makapagpigil sa sarili, mag-asawa na sila; mas mabuti ang mag-asawa kaysa
di-makapagpigil sa matinding pagnanasa.
25 Tungkol naman sa mga taong walang asawa, wala akong maibibigay na utos mula
sa Panginoon. Ngunit magbibigay ako ng aking opinyon bilang isang taong mapagkakatiwalaan
sapagkat kinahabagan ako ng Panginoon.
26 Dahil sa matinding kahirapan sa kasalukuyan, inaakala kong mabuti pa sa isang tao ang manatili sa kanyang kalagayan.
26 Dahil sa matinding kahirapan sa kasalukuyan, inaakala kong mabuti pa sa isang tao ang manatili sa kanyang kalagayan.
27 Ikaw ba'y isang lalaking may
asawa na? Huwag kang makipaghiwalay. Wala ka pa bang asawa? Huwag mo nang
hangaring magkaasawa.
28 Ngunit kung ikaw ay mag-aasawa, hindi ka nagkakasala.
Kung ang isang dalaga ay mag-asawa, hindi rin siya nagkakasala. Ngunit ang
nag-aasawa ay magdaranas ng mga kahirapan sa buhay na ito, at iyan ang nais kong
maiwasan ninyo.
29 Mga kapatid, ito ang ibig kong sabihin: malapit na ang wakas ng panahon, kaya't mula ngayon, ang may asawa ay mamuhay na parang walang asawa;
29 Mga kapatid, ito ang ibig kong sabihin: malapit na ang wakas ng panahon, kaya't mula ngayon, ang may asawa ay mamuhay na parang walang asawa;
30 ang mga
nananangis, na parang di nananangis; ang mga nagagalak, na parang di nagagalak;
ang namimili, na parang walang ari-arian,
31 at ang mga may tinatamasa sa
sanlibutang ito, na parang wala silang tinatamasa. Sapagkat ang lahat ng bagay
sa daigdig na ito'y hindi na magtatagal.
32 Nais kong mailayo kayo sa mga alalahanin sa buhay. Ang pinagkakaabalahan ng lalaking walang asawa ay ang mga gawaing ukol sa Panginoon---kung paano niya mabibigyan ng kaluguran ang Panginoon.
32 Nais kong mailayo kayo sa mga alalahanin sa buhay. Ang pinagkakaabalahan ng lalaking walang asawa ay ang mga gawaing ukol sa Panginoon---kung paano niya mabibigyan ng kaluguran ang Panginoon.
33 Ngunit ang pinagkakaabalahan ng
lalaking may asawa ay ang mga bagay ng sanlibutang ito---kung paano niya
mabibigyang kaluguran ang kanyang asawa.
34 Dahil dito'y hati ang kanyang
malasakit. Gayundin naman, ang pinagkakaabalahan ng isang babaing walang asawa
o ng isang dalaga ay ang mga bagay ukol sa Panginoon, sapagkat nais niyang
maitalagang lubusan ang sarili para sa paglilingkod sa Panginoon. Subalit ang
iniintindi ng babaing may-asawa ay ang mga bagay ng sanlibutang ito---kung
paano niya mabibigyang kaluguran ang kanyang asawa.
35 Sinasabi ko ito upang matulungan kayo. Hindi ko kayo hinihigpitan; ang nais ko'y maakay kayo sa maayos na pamumuhay at nang lubusan kayong makapaglingkod sa Panginoon.
35 Sinasabi ko ito upang matulungan kayo. Hindi ko kayo hinihigpitan; ang nais ko'y maakay kayo sa maayos na pamumuhay at nang lubusan kayong makapaglingkod sa Panginoon.
Si San
Pablo na walang asawa ay nagsasabing tularan siya:
1 Cor 11:1 - Tularan ninyo
ako, gaya ng pagtulad ko kay Cristo.
= > Kaya ang mga pari ay hindi
nag-asawa bro. para focus sila sa bokasyon nila para sa kaligtasan ng mga
mananampalataya... Sana ay maliwanag na sayo Jamal Udin...
sabi nia tularan nio ako..jusko npkadami pde maisip duon pag aasawa lng naisip nio..tularan nio xa s knyang mggndang gawa..
ReplyDeleteSo maaari ding magasawa ang mga pari dahil sabi sa 1 cor 7:28 "Ngunit kung ikaw ay mag-aasawa, hindi ka nagkakasala."
ReplyDeletePinagbabawal nyo wag na kyo magkaila.
ReplyDelete